Linggo, Hulyo 29, 2012

PAG LOBO NG POPULASYON

[+]PAG LOBO NG POPULASYON SA PILIPINAS
-Mga dahilan ng pag lobo ng populasyon sa pilipinas



  • Kakulangan sa kaalaman ukol sa pag paplanong pam pamilya.
  • Kahirapan
  • Maagang pag aasawa at pag bubuntis
  • Ang panganganak ng marami sa higit na hindi mo kayang alagaan o pakainin.

  • Nakakabahala na itong problema ng lumolobong populasyon ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO)  lumilitaw na lumalaki ang rate of natural increase ng population  ng Pilipinas sa rate na 2.1%.  Malaki ang population growth rate na ito  para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng Pilipinas .


    Sa buong mundo, and populasyon ng kabuuan ng mga industrialized countries ay nasa 1 billion;  sa developing countries – 5 billion.  Ang bansa natin ay kabilang sa top 15 most populous countries  sa daigdig.





    Noong Mayo 2000 ay nasa 76.5 milyon na ang populasyon ng Pilipinas at kailan lang ay nagsagawa muli ng census ang NSO para matiyak ang aktuwal na bilang ng mga Filipino. Pero sa ginawang pagtaya ng ahensya, posible raw na nasa 88.7 milyon na tayo.Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon, lalo na sa ‘third world’ country na tulad natin.Unang-una ang kahirapan na mayroong sanga-sangang epekto  gaya ng gutom, krimen, corruption, kawalan ng tamang edukasyon, unemployment at iba pa.



    Ang malaking populasyon ay may negatibong epekto sa kalikasan.  Kung malaki ang populasyon, nai-stress ng husto,  at kinukulang ang natural resources ng isang bansa at kasabay na nakokonsumo ang enerhiya. Ngayon pa nga lang ay ramdam na natin ang  krisis sa tubig at kuryente. Hindi lang ang ‘global changes’ sa klima ang ugat nito kundi malaking bahagi rin ang dumaraming tao sa Pilipinas.


    -ANO BA ANG GLOBAL WARMING O PAG-INIT NG DAIGDIG . ?
    Ang Pag-init ng Daigdig (o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada .Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves) .

    [+]SOLUSYON
    -[RH BILL] Dahil mapusok na ang mga tao lalo na ang mga kabataan , hindi na mapigilan ang paglobo  o paglaki ng populasyon at hindi na rin epektibo ang family planning kaya't kailangan nang gumamit ng mga contraceptives/pill's . dahil hindi na mapigilan ang maagang pag bubuntis ng mga kababaihan kaya mas mabuting ipatupad na ang reproductive health bill .

    -[GLOBAL WARMING] para makaiwas sa global warming ay wag magsunog ng mga chemical materials at wagitapon ang mga human waist sa mga ano mang parte ng anyong tubig..